WATCH: Dear Duterte – Hambog Ng Sagpro


WATCH: Dear Duterte – Hambog Ng Sagpro

Rap Lyrics:
Rap Lyrics Dear Duterte, Dear Duterte by Hambog Ng Sagpro, Jay Vincent A.K.A. Hambog Ng Sagpro, DU30, Hambog Ng Sagpro, Hambog Ng Sagpro Krew

Dear Duterte,

Ikaw na po aming pangulo
Ikaw huling pag-asa na limutin ang pagsuko
Pinas ay napasuko ngunit ikaw ang sugo
Upang pigilan aming mga luha sa pagtulo
Sino ba naman kase ang di maiiyak?
Ipapakain sa pamilya namin ay hindi tiyak
Kung meron ba o wala? Kulang ba o sapat?
Pondo para samin napunta kase sa di tapat
Pinaghirapan ng mahirap napunta sa kanila
Pero sayo kame tiwala, di ka ganon di ba?

Ang tiwala at ang puso ng Pinoy nasayo po
Kaya nga ikaw ang binoto namin para maupo
Na kame ay itayo mula sa pagkakadapa
Abot mo samin pagunlad na di pa namin nakapa
Aming pagpili sa iyo sana kami’y may mapala
Sa mga dateng umupo kase kame ay nadala
At alam ko po pangulo na nakikita mo
Pamilya nasisira dahil lang sa bawal na bato
Hindi na kakaiba to, mapipigilan mo ba to?
Sasaluhin mo ba problema na sayo ibabato?
Dahil alam mo naman Pinas madaming suliranin
Taghirap na nga kame lahat pa ay kukunin samin
Swerte na kame kapag may isasaing na bigas
Ang mahirap pinahihirapan ganyan sa Pinas
Dahil ba walang trabaho? Tingin ko di ganon
May trabaho ngunit di sapat dahil sa korapsyon
Mga bilihin mamahalin habang maliit ang sahod
Di makatarungan kapalit ng aming mga pagod
Dahil jan nagaabroad ibang Pinoy nang sapilitan
Paghihirapan o pangungulila lang pagpipilian
Pagbalik mga anak di na kilala ang magulang
Di sana ito nangyari kung gobyerno di magulang
sana wag magkulang iyong pamamalakad
Sana sa iyong kamay na bakal ay maging mapalad
Bawat buhay namin ng mga Pinoy at Pinay
Dahil pagbabago kay tagal na naming hinintay
Sa paghihirap po kase sawang sawa na po kame
Mga makapangyarihan sa Pinas kami inaape
Sila ay mga tao ngunit asal ay pang-animal
Mga buwaya porma ay disente ngunit kriminal
Kapag mayaman ang nagnakaw, ang tawag ay negosyante
Pag mahirap ang nagnakaw, ang tawag ay pugante?!
Pag mayaman nagkasala, napapawalang sala
Pag mahirap nagkasala, kulungan na ang sala
Kaya sana po pangulo gawin mong pantay pantay
Ang pagtingin sa mga tao ng batas nating sablay
Pero ngayon sa pamumuno mo nagtitiwala pa ko
Dahil kilala ka naming patas lang at makatao
Umaasa mga tao di na muli pang maloloko
Gaya dun sa administrasyong Aquino at Arroyo
Sana lahat magbago sa iyong paglilingkod
Kahit mahigpit at istrikto ka kame ay susunod
Dahil alam naman namin na para samin din ito
Samin magsisimula ang pagbabago di lang sa iyo
Dapat kami’y kumilos din habang ikaw nag-gagabay
Aming paa’y ihahakbang habang hawak iyong kamay
At kami ay iyong hatid sa aming mga kailangan
At muli mong ibalik kinang ng Perlas ng silangan
Marinig mo man ito o hinde ayos lang
Mahalaga iyong mithiin iyong matapos ang
Lahat ng dapat mong tapusin sayong pamamahala
Saming bayan di magiliw, ikaw na po bahala

Hangang dito nalang, ikaw na po magbago Sa Pinas.

Nagmamahal, Hambog na Sagpro

@Credits to : Jay Vincent A.K.A. Hambog Ng Sagpro

Follow my one and only FB account: https://www.facebook.com/hambog.krew
Like my FB page: https://www.facebook.com/hambogngsagp…
Subscribe to my new Youtube channel: https://www.youtube.com/channel/UCaZi…

Leave a Reply