Top 10 Patama and Hugot Quotes


Hindi naman talaga natin maiiwasan ang masaktan. Okay lang maging tanga paminsan – minsan. Huwag nga lang gagawing hanap – buhay. Natural lang din na maging baliw tayo pagdating sa pag – ibig, wag lang masyadong pairalin ang katangahan. It’s a natural phenomenon na nangyayari sa buhay ng tao. (WOW! PHENOMENON! Taray, hahaha)

Sa sobrang sakit na nararanasan natin mga Sis, di natin maiwasan na humugot  o kaya magpatama minsan. Dinadaan na lang natin sa pabirong paraan yung mga nararamdaman natin. Ayaw kasi nating ipahalata sa ibang tao na nasasaktan tayo. (kaartehan! Joke… hehehe) Mas okay kasi minsan na daanin na lang sa mga hugot at banat ang mga gusto nating sabihin kaysa iiyak na lang. At least kahit papaano nakakatawa pa din tayo. Tama ba mga Sisterette?

Hugot Quotes1.Mahalin mo siya kase mahal mo siya.Hindi dahil he is better than your Ex.

 

Kung magmamahal ka kasi, piliin mo yung taong talagang pagmamahal ang nararamdaman mo. Huwag kang maglagay ng standard para sa taong gusto mong makasama. At huwag na huwag kang pipili ng tao ng dahil lang sa mas better siya sa ex mo. Never compare someone with a person you had a past with. Yan kasi ang isa sa pinakamalaking kasalanan sa isang relasyon mga Sissy.

Hugot Quotes2.Dun ka sa tao na gagawin kang priority,Wag dun sa gagawin ka lang temporary.

 

Kung pipili ka ng mamahalin, ang piliin mo ay yung ikaw ang laging uunahin. Hindi yung mas inuuna pa yung ibang tao kaysa sayo. But understand when I say this, I don’t mean na ikaw ang priority sa lahat ng gagawin nya, what I mean is that, ikaw ang priority nya pagdating sa pag – ibig. Why? Dahil di natin pwedeng pilitin ang isang tao na mas unahin pa nya tayo kaysa sa work nya or sa family nya. Kailangan nating maintindihan yun. Pero hindi man tayo ang nangunguna sa buhay niya, dapat pagdating sa puso niya, dapat tayo ang una.

Hugot Quotes3.Sa Pag-ibig hindi required ang itsura. Basta TOTOO ka, walang problema.

 

Hindi naman kasi kailangan na pogi o gwapo ang Bf natin mga Sis. Minsan okay na yung cute lang(di, joke lang ☺) seryoso mga Sis, di natin kailangan ang lalaking pogi o gwapo, di naman kasi dekorasyon ang hanap natin e. Pagdating sa pag – ibig, dapat ang piliin natin ay yung taong mamahalin tayo ng buong – buo. Hindi yung kaya natin pinili yung guy e dahil guwapo at pwedeng – pwedeng ipag yabang sa mga kaibigan natin. Very wrong mga Sis.

Hugot Quotes4.Hindi lahat ng naalala mo, dapat mong balikan at ungkatin.

 

May kasabihan tayo na, “Okay lang balikan ang nakaraan, huwag mo lang tatambayan.” Ganito kasi yun, ang nakaraan ay nakaraan na, nasa present ka na ngayon. Huwag mo ng ungkatin ang mga nangyari noon, wala ka na din naman kasing magagawa kahit ungatin mo pa ng ungkatin yun. Hindi na natin mababago ang nangyari noon. Forgive and forget mga Sis.

Hugot Quotes5.Yung pakiramdam na lumalayo ka nalang, para walang makapansin na malungkot ka.

 

Gawain na kasi talaga natin minsan na kimkimin na lang yung nararamdaman natin. Ayaw kasi nating may makapansin na may pinag – dadaanan tayo. Ayaw kasi nating may makialam pa dahil baka lalong maging magulo yung nararanasan natin. Kaya ang ginagawa natin lumalayo na lang tayo at hindi na nagsasabi sa mga kaibigan natin.

Hugot Quotes6.Yung ang dami mo ginive up para sa kanya, pero siya ginive up ka.

 

Pag nagmahal kasi tayo, lahat kaya nating ibigay, lahat kaya nating gawin at lahat kaya nating I – give up para sa taong minamahal natin. Pero ang sakit malaman na, kahit na alam mo sa sarili mong, ginawa mo naman na lahat ng kaya mong gawin para sa kanya, iiwan ka pa rin pala. Ang sakit malaman na after mo gawin ang lahat, kayang – kaya ka pala niyang I – give up.

Hugot Quotes7.Tiisin mo, hanggang sa ikaw naman ang maalala niya.

 

Minsan, kailangan talaga nating tiisin ang isang tao para malaman niya na hindi naman sa lahat ng oras, tayo ang gagawa ng effort para sa kanya. Kailangan din natin minsan na magpamiss. Mahirap kasi yung tayo na lang lagi ang nakaka miss. Yun bang miss na miss natin siya, tapos siya, di man lang tayo ma – alala.

Hugot Quotes8.Ano ba yan. Isang message lang, umasa ka na naman ulit.

 

Text lang yan te, wag ka masyado umasa sa mga ganyan. Tandaan mo, maraming naloloko sa ganyan. Buti sana kung sa personal yan. Atleast makikita mo kung seryoso ba talaga siya. Huwag ka kasing mafall agad. Masyado kang maganda para umasa. Tandaan mo yan ‘te.

Hugot Quotes9.Wag mo na lang lapitan, kung sa huli ikaw din naman ang mangiiwan.

 

Kayo kasing mga lalaki kayo, masyado kayong pa – fall. Hindi n’yo alam nakakasakit na kayo. Lapit kayo ng lapit, makikipagclose ng sobra at mangliligaw, tapos pag nakuha n’yo na ang gusto nyo bigla na lang mang – iiwan. Huwag kasing ganun. Isipin n’yo din kung ano yung nararamdaman naming mga babae. Marunong din kaming masaktan. Hindi kami manika para paglaruan at iwan na lang basta pag nagsawa kayo. Magpaka – lalaki naman kayo.

Hugot Quotes10.Nung sinabi mong mag – ingat ako. Lalo akong nadisgrasya kasi nahulog ako sayo.

 

Nahulog ako, di mo naman ako sinalo. Nadisgrasya lang lalo ako. Wag kasing magpaasa kung di naman kayang pangatawanan. Nakakasakit ka lang, isipin mo kasi muna yung mga ginagawa mo para wala kang pinapaasa. Tadyakan kita, nakita mo.

Leave a Reply