Top 10 Hugot Taray Quotes


May mga lalaki lang talaga na minsan ang tingin sa ating mga babae ay parang laruan lang na napakadaling itapon kapag nagsasawa na sila, o kaya naman ay parang nagpapalit lang ng t – shirt kung magpalit ng girlfriend. Mga feeling pogi na wala na naming kayang ipagyabang kundi ang mukha nila. In my opinion, mas lalaki pang tingnan sa kanila yung mga taong, kahit walang ibubuga kung mukha ang labanan, pero seryoso naman kung magmahal.

These are my top 10 quotes para sa kanila, mga lalaking paasa at manloloko. Pero take note, hindi ako bitter. Hehehe.

Taray Quotes

1.Kaming mga babae, hindi kami laruan, hindi kami manika na pinaglalaruan. Hindi kami Barbie doll na pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Babae at bading lang ang naglalaro ng Barbie. Tandaan mo yan.

Taray Quotes

2.Kung iiwan mo ko, go lang. FYI, hindi ka kawalan. Andami daming lalaki na nag – iintay lang na maghiwalay tayo. You are not the only man in this world. Maraming pwedeng ipalit sa’yo. And I’m sure, they are better than you.

 Taray Quotes

3.At kayo naman mga Sisterette, matuto kayong makiramdam, nangalat ang ahas sa paligid, bantayan man natin o hindi ang mga boyfriend natin, kung talagang hindi sila seryoso sa atin, makakahanap at makahahanap pa rin ng pagkakataon ang mga yan na lumandi at magpalandi sa iba. Kaya huwag masyado magtitiwala.

Taray Quotes

4.We got the face, we got the body to die for, masyado tayong maganda kaya wag na wag nating ibaba ang sarili natin sa level ng mga manlolokong yan. Kung niloloko lang nila tayo, pabayaan mo na lang, wag mong iiyakan, kakarmahin din ‘yang mga yan.

Taray Quotes

5.If ever na may manligaw sa atin or may bf tayo ngayon, wag n wag nating kalilimutan ang salitang “RESPETO.” Pero take note mga Sis, hindi lang respeto sa relasyon o sa boylet natin, kundi respeto mismo sa mga sarili natin. Wag masyado ma – inlove. Leave some for ourselves. Para kung sakaling iwan man nila tayo, meron pa ring matitira sa atin. Wag masyadong mapag – bigay, baka sumobra ang maibigay natin tapos iiwan lang tayo bandang huli.

Taray Quotes

6.Oo nga tao ka nga, pero tao din kaming mga babae, wag mong ikatwiran na porke tao ka, nagkakamali ka. May limitasyon ang pagiging tanga. Kung nagkamali ka na sa nakaraan mo, huwag mo ng ulitin pa. okay na yung ikaw lang ang maging tanga, wag ka ng mandamay pa.

Taray Quotes

7.Dito babalik yung salitang respeto mga Sis, bakit nga ba natin tatanggapin yung sorry kung paulit ulit na lang. Kung talagang may respeto sa atin ang mga partner natin, never s’yang gagawa ng dahilan para masaktan tayo at never syang lilikha ng reason para humingi sa atin ng SORRY!

Taray Quotes

8.Iniwan tayo, sinaktan tayo, tapos iiyakan pa natin, swerte naman nya. Hindi sila karapat dapat para sa mga luha natin, mga Sis. Makiramay na lang tayo pag namatay sila, libre kape pa.

Taray Quotes

9.Kaming mga babae ay nilikha pra mahalin at alagaan, hindi para tapak tapakan lang ng mga lalaking manloloko at walang respeto. Kung ikaw na magaling na lalaki ka e manliligaw lang para manakit ng babae, mag – isip ka muna. Bakla lang ang pumapatol sa babae. Bading ka ba para makipag – sabunutan sa amin?

Taray Quotes

Every girl wishes to find a Prince Charming, lahat kami ay nangangarap na maranasan ang tinatawag na true love’s kiss. Pero bakit ba naman sa dinami dami ng lalaking pwedeng mahalin sa mundo, dun pa tayo natatapat sa mga lalaking babaero at manloloko. Nangangarap tayong magkaroon ng love story, pero pinaglalaruan lang tayo, buti pa nga si Barbie, may Ken. Tapos tayo, nganga.

 

Pero mga Sisterette, anuman ang mangyari sa love story natin, huwag na huwag tayong mawawalan ng pag – asa na isang araw, darating din ang lalaking para talaga sa atin. Marami pa naman tayong oras para sa pag – ibig e. kaya hinay – hinay lang muna tayo, pasa – saan  ba’t darating din ang ating knight – in – shining armor.

 

Thanks mga Sis, sa pagdalaw sa aming site, sana ay nagustuhan nyo ang munti kong hugot. And kung may mga nagustuhan pa kayong iba blogs dito, feel free to read and enjoy.

Leave a Reply