Tagalog Hugot Love Quotes


Normal na lang sa atin ‘yung nasasaktan at nahihirapan, parte na ng relasyon yan e. Normal na yung umasa, normal na yung maloko, at normal na din yung ma seen – zoned tayo. It’s up to us na lang kung paano natin tatanggapin at haharapin ang mga bagay na darating sa atin. Love is full of obstacles, kailangan lang natin harapin to see the results.

Hugot Love Quotes

Mahirap ma – inlove sa isang taong hindi natin alam kung may pagtingin din ba sa atin. Sobrang daming pa fall ngayon na once na mafall ka, hindi ka naman sasaluhin.kaya mga sis, pag – aralan munang mabuti kung ano ba talaga ang nararamdaman natin para sa kanya at kilalanin muna natin syang mabuti before we decide anything.

Hugot Love Quotes

Mas okay na din minsan yung ma –friend zoned na lang tayo para atleast kahit papano okay yung pakikitungo sa atin nung mahal natin. At kung nasa friend – zone tayo di tayo masyadong aasa, walang selosan, walang sakitan, at higit sa lahat, walang break – up. Mas mabuti nay un, kesa naman in a relationship nga tayo, pero daig pa natin yung na seen – zoned kasi parang invisible tayo kay dyowa.

Hugot Love Quotes

Para sa mga girls na inuugaling magpaasa, minsan masyado natin pinapatagal yung panliligaw sa atin ni Guy. At dahil masyado tayong bilib sa sarili natin na di s’ya magbabago kasi love nya tayo, di natin napapansin na unti – unti na palang nababawasan yung nararamdaman nya sa atin. Mapapansin na lang natin, wala na pala s’ya at nakahanap na ng iba.

Hugot Love Quotes

Marami sa ating mga babae yung masyadong nag – i – stay sa nakaraan natin. Sobra kasing nating minahal si ex e, kaya nung nawala s’ya palagi pa din nating inaalala yung lahat ng mga sinabi n’ya sa atin, lahat ng mga moments natin kasama s’ya. Pero mga Sis, okay lang naman alalahanin ang nakaraan, wag mo lang tatambayan.

Hugot Love Quotes

Minsan, mas gusto nating itago na lang sa ibang tao yung tungkol sa relasyon natin, lalo na sa pamilya natin. Alam kasi natin na marami silang magiging comments sa naging choice natin. Akala kasi nila, mali yung choice na ginawa natin, hindi kasi sila nagtatanong muna kung ano ba yung nararamdaman natin. Hindi man lang muna nila kilalaning mabuti yung mahal natin bago sila magjudge.

Hugot Love Quotes

Sabi nila, “Absence makes the heart grow fonder”, pero yung sobrang tagal na absence daw can make the heart forget. Kaya sa isang relasyon, andaming nakakalimot na may dyowa sila. Once kasi na nawawalan sila ng komunikasyon, kung anu – ano na agad ang iniisip na gawin. Sa halip na gumawa ng paraan para maibalik yung communication, humahanap na lang ng iba.

Hugot Love Quotes

Sa isang relasyon daw mga Sis, kailangan talaga ng tamang timing. Hindi yung batang – bata ka pa, nag – uumpisa ka na agad lumandi. O kaya naman, alam mong walang trabaho ang dyowa mo, kung anu – anong kalokohan agad ang gagawin nyo. Hinay – hinay lang dapat, may tamang oras at tamang panahon sa lahat ng bagay. At siyempre, mas masaya kung pagdating ng panahon na yun, kasama na natin yung tamang tao para sa atin.

Hugot Love Quotes

This happens to all of us. Mapa – babae man o lalaki, lahat tayo nakakaranas ng ganito. Nakakasawa naman kasi talaga ‘yung para tayong invisible kung i – trato tayo ng dyowa natin. Ginagawa na nga natin lahat pansinin n’ya lang tayo, pero mas importante pa minsan sa kanya yung mga barkada n’ya, minsan mas inuuna pa n’ya yung ibang bagay kaysa sa atin. Ang hirap talaga pag hindi ikaw ang priority.

Hugot Love Quotes

Bakit nga ba ganun ang mga tao minsan? Nakalimutan mo na nga lahat – lahat ng tungkol sa ex mo pero binabalik pa nila. Minsan nga, botong – boto pa din sila sa ex natin kahit alam nila na nasaktan tayo ng dahil sa taong yun. Hindi man lang nila hinihingi yung opinyon natin. Bakit hindi na lang kaya sila ang makipagrelasyon sa mga ex natin, total sila naman ang may gusto e, hindi ba?

Hugot Love Quotes

It takes time talaga bago maghilom yung sugat natin sa puso, lalong – lalo na kung sobrang dami na ng mga alaala natin kasama siya. Maraming magsasabi sa atin na kalimutan na natin siya, pero alam natin na madali lang sabihin yun at napakahirap gawin ang isang bagay lalong lalo na kung sobrang fresh pa nun sa atin.

Leave a Reply