Realtalk Quotes and Sayings


Sa panahon ngayon kelangan natin maging open-minded sa mga nangyayari sa bawat buhay ng isang tao. Huwag tayong magpapaapekto agad sa mga negatibong tingin ng mga tao sayo bagkus gawin natin itong dahilan upang lalo pa tayong magsikap upang patunayan sa kanila na kaya mo at may mararating ka sa buhay. Pahalagahan natin ang mga taong nagbibigay satin ng pagmamahal dahil hindi lahat ay minamahal ng kanilang mahal. Magpasalamat tayo lagi sa mga biyayang natatamo natin sa buhay. Mabuhay tayong masaya dahil hindi natin alam kong hanggang kelan lang tao sa mundong to. Mag ipon tayo ng mga magagandang alaala habang nabubuhay pa.

Realtalk

1.Sa panahon ngayon maging praktikal kana girl. dahil hindi nakakabusog ang puro pagmamahal  nalang..

* Anung pipiliin mo, mga material na bagay o pagmamahal? Sa ngayon, karamihan sa ating mga kababayan na kababaihan ay nagbabasakaling makabingwit ng mga dayuhan upang makaahon sa buhay. Hindi man maganda tingnan o isipin na pera lang ang habol nila, may mga personal parin silang dahilan kong bakit nila un nagagawa. Aanhin mo nga naman ang pagmamahal kong magugutom kalang diba? Pero kung iisipin natin ng mabuti, hindi natin kelangan gumamit ng ibang tao para lang yumaman tayo. Maraming magandang paraan para mabuhay ka ng marangal at nasa iyo nalang talaga kong magsisikap ka ng mabuti para makaahon sa hirap. Masarap sa pakiramdam na sa sarili mong pagsisikap at paghihirap nanggaling ang pera at kinakain ng pamilya mo sa araw-araw.

Realtalk
Kahit anung sabihin mo na masaya kana sa pagiging single mo at internet lang sapat…. darating ang araw na kakainin mo yang sinabi mo dahil mabobored kana kakaantay kung may darating pa bang “the one” para sa iyo..
*Hayst..!! Base on my experience as being single, talaga namang nakakapressure isipin kong darating pa ba o makikilala ko pa ba ung lalaking mamahalin at seseryosohin ako ng totoo. OO, may pamilya ka at kaibigan na pwedeng magpasaya sayo pero mararamdaman mo prin talaga na parang may kulang sa buhay mo. Yung feeling na bila kana lang matutulala at maiisip mo n a nakakamis din ung may karelasyon ka kahit pa kumpleto ka sa mga materyal na bagay.

Realtalk
Lahat ng bagay ay may hangganan at katapusan. kaya bago gawin ang isang bagay siguraduhin mong may katuturan at may mapapala ka..
*Bago ka gumawa ng desisyon ay isipin mong mabuti ang masama at maganda nitong maidudulot sa buhay mo at sa mga taong nakapaligid sayo. Mahirap ng mabago o mabawi ang mga nagawa mong pagkakamali at dahil dyan posibleng mawalan ng tiwala sayo ang mga kaibigan o pamilya mo. Gumawa ka ng mga bagay na alam mong hanggang sa huli ay may mabuting maidudulot sa buhay mo.

Realtalk

  1. Sa panahon ngayon maraming tao ang pinuproblema kung kailan may taong magmamahal sa kanila ng seryoso at di paglalaruan ang damdamin nila..

*Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng taong totoong magmamahal sayo ng totoo at tatanggapin ka ng buong buo? Lahat tayo nag aasam nun. Walang perpektong relasyon, nandyan ang away at tampuhan, natural lang na masasaktan ka kasi nagmamahal ka..Kapag nagmahal ka dapat handa kang sumugal at magtiis sa mga sakit na pwede mong maranasan. Sa panahon ngayon mahirap nang makatagpo ng seryoso na hindi paglalaruan at sasaktan ang damdamin mo.

Realtalk
Sa panahon ngayon iilang tao nalang ang nakakalam ng tunay na pagpapahalaga pagdating sa pagmamahal…
*Masakit mang isipin pero totoo, iilan nalang talaga kasi ngayonang marunong magpahalaga sa pagmamahal ng isang tao, karamihan sa mga tao ay hindi na halos nagseseryoso, may mga mag bf/gf na pero nagagawa parin nila itong lokohin at iwan, yung may mga asawa at anak na sinisira ang pamilya ng dahil lang sa panandaliang aliw. Sana naman pahalagahan natin ang pagmamahal na binibigay satin hindi yung puro sarili lang natin ang iisipin natin, isipin din naman natin ang mararamdaman ng inang tao.

Realtalk
may bagay pa talagang di alam ang mga babae sa lalaki.. kaya wag kayo basta basta magtitiwal sa mga lalaki para hindi kayo magpaluko lalo na sa mga matatamis na salita nila..
*Once na naloko ka o nasaktan ka matatakot ka nang magtiwala ulit at maniwala na may lalaki pang seryoso at totoo. Natural lang na matatakot ka ng magmahal ulit dahil iisipin mong baka masaktan kalang ulit, kaya bago tayo pumasok sa isang relasyon, mas mabuting kilalanin muna natin ng mabuti ang isang tao at siguraduhin nating matibay na tayo sa anumang problema ang kakaharapin nyo bilang magkapareha.

Realtalk
kapag nagsimula kanang mag mahal ng totoo hndi ka dapat nagsasawa sa mga bagay na ginagawa mo para sakanya kahit paulit-ulit mo pa itong gawin.
*Kapag mahal moa ng isang tao hinding hindi ka magsasawang iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo. Masarap at masaya sa pakiramdam na may taong handang patunayan ang pagmamahal nya sayo. Lahat gagawin mo para sa taong mahal mo lalo na at nararamdaman nya ito at na-aapreciate.

Realtalk
wag kang papayag na nabubuhay kalang sa mundo na wala kang napapatunayan sa sarilu mo o sa ibang tao.
*Sa mundong to, maraming mata ang mapanglait at mga bibig na mapanghusga. Kapag may mga taong minamaliit ka dapat mas lalo mo pang pagbutihin para mapatunayan mo sa kanila na kaya mo at may magagawa ka. Nandyan lang sila para maliitin ka pero hindi ka dapat pumayag na sila ang maging dahilan lalo ng pagbagsak mo sa halip gawin mo yung dahilan para mas lalo kang magsikap at umangat sa buhay. Patunayan mong mali sila at kaya mo.

Realtalk
lahat naman ng bagay pinagaaralan nasasayo nalang kung gusto mo matuto o tatamarin ka nalang at kontento kana na walang direksyon ang buhay mo..
*Walang mangyayari sa buhay mo kong wala kang gagawin at tatamarin ka na maghanap ngparaan para umahon sa kahirapan. Sabi nga nila”Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan”. Wag kang matakot na subukan na gawin ang isang bagay kong alam mo naman sa sarili mo na may mabuti itong maidudulot sayo. Mas mabuti na yung sinubukan mo kesa tumunganga ka lang.

Realtalk
Matuto kang makiramdam sa mga bagay bagay..dahil hindi lahat ay sasabihin sayo ng tao para gawin mo at sundin mo..
*Hindi lahat ay kelangan sabihin sayo, tao ka at huwag kang maging manhid sa mga nangyayari sa paligid mo, gamitin mo yang pandama mo. Wala naman talagang taong manhid, hindi lang siguro talaga sila interesado. Magkaroon ka ng pagkukusa sa sarili mo.

Leave a Reply