Pinoy Sweet Quotes and Sayings


Hello mga Sisterette, nag – eenjoy ba kayo sa mga nababasa n’yo sa blog site namin thank you sa pagdalaw and sa support. Please always like and share.

It feels good to be inlove, hindi ba mga Sis? Yung feeling na mahal na mahal natin si Bf and in return, mahal na mahal din nya tayo. Walang umeekstra, walang kumukontra at higit sa lahat walang sumasawsaw na iba. Ang sarap sa pakiramdam na lagi tayong inspired sa tuwing magigising tayo, at blooming na blooming pa din pagdating ng hapon.

sweet quotes

Masaya sa pakiramdam na kapag ang isang bagay na ayaw natin e ayaw din ni Bf at yung mga gusto natin gusto din n’ya. Para talagang sinasabi ni Bf na “Ginawa tayo para sa isa’t isa.” Pero ‘ di ba mas sweet ‘yung kahit ayaw ni Bf sa isang bagay, pipilitin niyang magustuhan, para lang maipakita sa atin na gagawin n’ya lahat, huwag lang tayong mawala sa kanila.

sweet quotes

Hindi naman natin kailangan sa isang relasyon na maging perpektong tao ‘yung bf natin, mga Sis. E ano naman kung pangit sya, kung baduy sya, o kung mahirap lang s’ya? Mas okay na ‘yung kahit alam n’ya na hindi sya ang pinaka perpektong tao sa mundo, ginagawa pa din n’ya lahat ng kaya n’ya mapasaya lang tayo at hindi mawala sa kanya.

sweet quotes

Kalian nga ba nagiging mahalaga ang salitang “mahal”? Importante pa din ba ang salitang ito kung nag –iisa naman tayo? Na – imbento ang salitang “mahal” hindi para sabihin sa kung sinu – sinong tao lang. naimbento ang salitang yan para masabi natin at maiparamdam sa mahal natin kung gaano sila ka – importante sa buhay natin.

sweet quotes

Minsan mga Sis, wag tayo masyadong magfocus dun sa mga crush or ex natin. Huwag na nating ipagpilitan ang mga sarili natin sa kanila. Tayo ang babae, dapat sila ‘yung naghahabol sa atin. Bigyan natin ng break ‘yung mga sarili natin mga Sis. Malay natin, baka meron pala jan sa tabi tabi natin na nag – iintay lang ng pagkakataon para ligawan tayo. Hindi lang natin napapansin kasi masyado tayong busy sa iba.

sweet quotes

Masarap maging single mga Sis, minsan sa pag – iisa natin, mas makikita natin kung gaano kaliwanag ang mundo. Malalaman natin na hindi lang pala kay Ex na nagbigay sa atin ng sobrang sakit umiikot ang buhay natin. Sa pag – iisa din natin makikita na may ibang tao pa pala na nangangarap na makasama tayo.

sweet quotes

Haaay Crush, kung alam mo lang, pagkagising ko pa lang gusto na kita Makita kaagad. Nagmamadali akong magpaganda para lang mapansin mo ako at magkaron ako ng kahit kaunting oras lang para makausap ka. Kaso lang, lagi mong kasama ang dyowabels mo, kaya eto, tearlalu ang beauty ko.

sweet quotes

Ang pinakamasarap talagang relasyon ay yung walang mga higad na lumalandi. Alam na nga na taken, sumasawsaw pa. hindi ba pwedeng ibang lalaki na lang ang landiin nila? At ‘yung ibang boys naman, may gf na, nakikipaglandian pa. Hindi na nila inisip na may nasasaktan sila.

sweet quotes

Kung may mga Crush tayo mga Sis, huwag na tayong mangarap na ibalik nila sa atin yung nararamdaman natin para sa kanila. Okay na yung hinahangaan na lang natin sila, hayaan na lang natin na ang panahon ang magdesisyon kung mamahalin din ba nila tayo o hindi.

sweet quotes

Kung mahal pa rin natin si Ex at nangangarap pa rin tayo na babalik sya, mas mabuti pa na mag give na lang tayo mga Sis. Lalo na kung nakikita natin na masaya na siya sa iba. Mahirap maghintay at umasa. Kung si crush naman ang problema, hayaan na rin lang natin, huwag na nating gawing miserable ang buhay natin. Kung gusto nila tayo, hindi sila titingin sa iba.

sweet quotes

Para naman sa mga boys, once na sinagot na kayo ng nililigawan n’yo, makuntento na kayo. Huwag ng maghanap ng iba. Niligawan mo siya, kasi gusto mo siya. Kaya sinagot ka niya, dahil gusto ka din niya. Dapat hanggang dun na lang, hindi yung, sinagot ka na nga, naghahanap ka pa ng reserba. Tandaan nyo mga boys, hindi lang kayo ang marunong mang – iwan.

Leave a Reply