NOTE TO SELF


Tayong mga pilipino ay may mga bagay na nais gawin sa ating buhay at mga bagay na nais baguhin ngunit hindi natin nagagawa dahil sa konting pagsubok , madali tayong nadadala sa ating mga kahinaan at nagiging epekto nito ay ang kabiguan . Bibigyan ko kayo ng paraan upang hindi ninyo malimutan ang inyong nais gawin o baguhin sa inyong buhay.

“Keep paraying”

Sa panahon ngayon may mga taong umaasa lang sa panalangin at may mga tao namang hindi marunong manalangin. Simple lang naman ang manalangin ngunit dapat sesiro ka sa mga sinasabi mo dahil isa itong daan upang makausap nating ang Panginoon. Hindi lang dapat tayo puro panalangin kailangan din nating gumawa sabi nga ng matatanda “nasa Diyos ang awa at nasa tao naman ang gawa”.

“Stay positive”

Wala namang mawawala kung magiging positibo tayo sa buhay ngunit hindi rin makakabuti kong maging mayabang tayo. Sabi nga “think positive and positive things will happen” ngunit hindi naman ito maiisakatuparan kung puro pagiging positibo nalang kailangan din natin pagsumikapan. Hindi natin makukuha ang isang bagay ng basta basta sapagkat kailangan muna natin itong paghirapan.

“Keep trying”

Madalas tayo ay madaling sumuko sa ating pangarap sa buhay, sa taong ating nililigawan at sa iba pang aspeto sa ating buhay. Marahil alam nyo naman ang magiging resulta ng inyong pagsuko diba? Maaring hindi ninyo makamit ang inyong pangarap o mapasagot ang babaeng nais ninyong maging sayo. Kung nais mo huwag mong sukuan at kung mahal mo iyong pagtiyagaan Sabi nga “never give up” wag kang sumuko ipaglaban mo paghirapan mo.

“Don’t measure your progress using someone else’s Ruler.”

Huwag mo ihahalintulad ang sarili mo sa iba, sapagkat lahat naman tayo may kanya kanyang katangian, kanya –kanyang kaalaman, kanya-kanyang kakayahan at kanya-kanyang buhay. Maaring mas matalino siya sa klase ngunit mas madiskarte ka, mas malakas sya pero mas matalino ka at mas may kakayahan siya ngunit mas karapat-dapat ka. Hindi sa lahat ng bagay ay nakakahigit sila sa iyo at hindi sa lahat ng oras ay mamaliitin ka nila, sapagkat may mga bagay na kaya mong gawin na hindi nila kaya.

“Be awesome”

Hindi ko naman sinabing maging famous kayo ngunit maging mabuting imahe kayo para sa iba. Sa pamamagitan ng pagiging isa mabuting huwaran sa iba makakatulong ka sa kapuwa mo ng hindi mo nalalaman sapagkat nanaisin nila maging katulad mo. Halimbawa isa kang matalinong magaaral maari mong turuan ang iyong mga kaklase sa gayon mahihikayat ang iyong mga kamagaral na turuan din ang mga hindi maaalam o nahihirapan.

“Become better”

Walang perpektong nilalang sa mundong ito, ngunit kaya nating ayusin ang sarili natin, in other word maturity. Maaaring may mga bagay sa atin na hindi kanais nais na sa iba pa natin nalalaman, masakit man na sabihin nila sa iyo na sabihan ka ng mga kamalian mo wala namang masama dun swerte mo nga nalaman mo mga kahinaanh mo at magagawa mo itong ayusin dahil nalaman mo. Sapagkat lahat naman tayo ay nagkakakamali hayaan mong ituwid ka nila para sayo din naman yun ei , para sa ikalalago mo.

“It may be hard but hard is not impossible”

Lahat naman siguro ng bagay sa mundo ay mahirap, maaring sa paningin mo ay hindi mo kaya ngunit malalaman mo ba kung hindi mo susubukan? Oo nga’t mahirap pero walang imposible sila nga kaya nila, ikaw pa ba? Wala namang nilikhang mangmang ang Diyos eh hindi mo lang kasi pinupush sarili mo matuto kang paghirapan ang mga bagay na gusto mo pagsumikapan ito upang dumating ang araw at masabi mong “kaya ko pala kailangan lang ng tiyaga”.

“Be yourself”

Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong baguhin ang sarili mo minsan kasi sila ang mali ngunit dahil sa alam nating ito ang makakabuti kinakain natin ang ating pride upang maisaayos ang mga bagay-bagay. Tulad sa relasyon madalas sinasabi ng babae ayusin mo naman sarili mo, oo ok lang baguhin yung mga bagay na mali sayo pero ung personalidad mo na nagpapakilalang ikaw yan huwag na huwag mo babaguhin kung mahal ka niya tatanggapin ka niya maging sinu kaman.

“be thankful”

Sa lahat ng oras dapat marunong tayo magpasalamat sa bawat bagay na ating nakamit, natangap dapat natin itong ipagpasalamt maging sa kabutihang asal na itinuturo sa atin ng ating mga magulang at higit sa lahat sa buhay at lakas na ipinapahiram sa atin ng Diyos.

“Be kind”

Kahit saang aspeto ang pagiging tapat ay isang mabuting personalidad ng isang tao, sa pagibig o sa pangaraw-araw na buhay man. Makakabuti sa isang relasyon ang pagiging tapat ninyo sa isa’t isa upang mas tumatag ang inyong pagsasama gayon din naman sa pangaraw-araw na buhay kung magiging tapat ka pagkakatiwalaan ka ng lahat ng taong asa paligid mo.

“Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aming Blogsite. Asahan nyo sa susunod na pagbalik ninyo mas marami, mas magaganda at mga pinaka bagong Quotes and Sayings na tiyak na makakakuha ng inyong pansin. Kaya wag magdalawang isip na bumisita dito sa aming Site 🙂 and Please Visit us  on facebook  “https://www.facebook.com/mstarayhugotera/” or search MsTaray.com!”

Thanks, 🙂 Don’t forget to Like, Share And Smile 🙂