Mstaray- Loveless Quotes


Minsan kelangan mo ding bumitaw sa isang taong hindi nakikita ang halaga mo. Masakit isipin na dapat yung taong mag aalaga sayo at proprotekta ay hindi ito magampanan. Pag dumating na sa punto na sobrang sakit na at nahihirapan kana senyales yun na isipin mo naman ang sarili mo at bitawan na kung anu man ang dahilan ng sakit at lungkot na dinaranas mo. Nakakatuwa na nakaka inggit na may mga taong nakakaya nilang harapin ng sabay ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang relasyon. Yung Iba naman ang bilis sumuko kahit may paraan pa para maayos o sadyang ayaw na nila.

 

Mstaray- Loveless Quotes

May mga tao talaga na kahit gusto nating mag stay sa ating buhay ay pilit na lumalayo o dahil hindi talaga sila para sa atin. Yung feeling na gusto mo pang salbahin yung relasyon nyo pero sya umaayaw na. Mahirap at masakit isipin na ikaw nalang yung gumagawa ng paraan para dugtungan pa ang inyong samahan. Pero sabi nga nila wag ng ipilit pa kung ayaw na at wala ng pag-asa dahil ikaw lang din ang masasaktan.

 

  • Mahirap turuan ang puso kung sino ang dapat nyang mahalin. Yan ay kusang mararamdaman at titibok sa taong Hindi Mo Inaasahan.
  • Paminsan-minsan , isipin mo muna kung may masasaktan sa gagawin mo. Dahil ang SORRY, nagbubura lang ng galit at hindi nagtatama ng MALI.
  • Minsan kailngan mo nalang tanggapin kung ano kayo ngayon kaysa paasahin ang sarili mo na magbabago pa yun sa paglipas ng panahon.
  • Minsan mas mabuting makuntento sa simpleng INSPIRASYON, Kaysa naman makunsume ka sa magulong RELASYON.
  • Wag mong mahalin ang taong sinasabing mahal ka kapag may ORAS lang siya. Mahalin mo yung taong mahal ka at kaya kang unahin kahit sobrang BUSY siya.

 

Mstaray- Loveless Quotes

Bakit ganun? ang una nating tinatanung ay kung gwapo ba? di ba dapat kung mabait? Aminin man natin o sa hindi mas marami ang tumitingin sa pang labas na anyo ng isang tao dahilan upang magustuhan ito. Swerte ng iba na kahit hindi masyadong kagandahan o kagwapuhan na may kasintahan na may hitsura tapos sasabihin ng iba na love is blind. Hindi lang sa panlabas na anyo nakikita at nararamdaman ang love. Hindi mata ang ginagamit kundi ang puso. Aanhin mo ang ganda at gwapong anyo kung masama naman ang ugali diba.

 

Mstaray- Loveless Quotes

Thank You. We hope na nakakarelate kayo.. LIKE & SHARE.

 

Leave a Reply