Mstaray- Hugot Patama Quotes


Sana lahat ng taong gustuhin at mahalin natin ay mahal din tayo. Masaya sa pakiramdam na yung taong pinangarap natin ang makakasama natin habang buhay. Sa isang relasyon nandyan lagi si duda at selos kaya kung hindi matatag ang pundasyon ng inyong relasyon ay madali kayung masisira at maghihiwalay. Huwag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo at magtira ka para sa sarili mo para hindi ka masyadong masaktan sa huli.


Mstaray- Hugot Patama Quotes

Ang sakit kapag hindi ka gusto o mahal ng taong mahal mo. Bakit nga ba may mga taong pinagtagpo pa kung hindi lang din sila hanggang sa huli? Hayst.. nakakalungkot na yung tipong hanggang tingin kana lang sa taong mahal mo. Masakit na habang nakikita mo syang masaya sa piling ng totoong mahal nya samantalang ikaw lihim na nasasaktan. Kung pwede lang talagang turuan ang puso kung sinong dapat mahalin matagal ko ng tinuruan na sana yung taong mahal ako ang mahalin ko nalang para mas masaya.

 

  • Kani-kanina lang ang init init ng ulo mo, lahat apektado. Ngumiti lang sayo ang CRUSH mo, biglang ganda ng mood mo.
  • May mga tao na biglang nakakapagmura, Pero di nangangahulugang masama na sila. Kung paanong di lahat ng nagsisimba ay mabait talaga. 

  • Sa pakiramdam mo, ikaw na at siya.Ang di mo alam may gusto siyang iba.


Mstaray- Hugot Patama Quotes

Madalas tayong nagiging bulag sa ating kapintasan at pagkakamali kaya madali tayong nakakapanghusga ng ibang tao. Hindi mo maiintindihan ang nagawa ng isang tao kung hindi ka pa nalagay sa kanyang sitwasyon, madaling magsabi pero mahirap gawin lalo na kong nagtatalo ang isip at puso mo. Sinasabi ng utak mo na mali pero ang puso mo salungat kasi nagmamahal ka at gusto mong lumigaya. Hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin kaya hindi maiiwasan na ma-in love ka sa taong taken na.


Mstaray- Hugot Patama Quotes

Thank You for visiting our site. Please Like & Share.

 

Leave a Reply