Motivational Quotes and Sayings Collections


Lahat ng tao nakakaranas ng pagsubok at paghihirap sa buhay. Hindi naman kasi mawawala yan e. kaya nga kailangan din natin ng inspirasyon sa buhay. Marami kasing nagagawa ang inspirasyon sa isang tao, andyan yung kayang i – lift yung bigat ng nararamdaman mo, at minsan inspirasyon din ang nagiging dahilan para mas mag – pursige pa tayo sa buhay. Kailangan lang kasi natin na ma – motivate minsan para pampalakas ng loob. Motivation comes in different guises, pwedeng sa mga wise words na naririnig natin, sa mga nababasa nating libro tungkol sa mga karanasan ng ibang tao, at pwede ding nakikita natin sa mga taong nasa paligid lang natin.

Hindi naman masama kung hindi tayo magtagumpay sa unang try natin. Pwede pa ngang masabi na hinahanda lang tayo para sa totoong tagumpay. Puwede kasi nating gawing stepping stone yung pagkabigo natin sa isang bagay, para mas maging malakas tayo sa susunod na pagtayo natin.

Lahat naman kasi nag – uumpisa sa mababa, nasa atin na lang yun kung paano natin haharapin ang mga pagsubok natin sa buhay para hindi tayo ma – stuck sa baba. We can be at the top if we persevere.

Inspirational Quotes

1.Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayanan.

Wala ka kasing mararating kung ikaw mismo, hindi bilib sa sarili mo. Kailangan mo lang talagang tanggapin na kaya mong gawin ang lahat ng kaya mong isipin. At kung hindi mo man magawa sa unang try mo, palagi namang may second chance para pagbutihan mo na sa susunod na subok mo.

Inspirational Quotes

2.Wag kang matakot magkamali. Tao ka at normal lang yun.

Normal lang naman kasi ang magkamali. Hindi naman tayo perpekto para laging tama ang magawa, minsan kailangan din natin ang magkamali para marealize natin at malaman natin kung ano ang mas nararapat nating gawin para maging tama ang gusto nating gawin.

Inspirational Quotes

3.Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang.

Ang mga problema kasi yung nagiging test natin para malaman natin mismo sa sarili natin kung hanggang saan ang kaya nating gawin para maabot ang mga pangarap natin. Gawin nating guide ang mga problemang nararanasan natin para masabi natin pagdating ng panahon, na lahat ng ginawa natin para maabot ang pangarap natin is truly worth it.

Inspirational Quotes

4.Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.

Kung gusto talaga nating makamit at matupad ang mga pangarap natin, umpisahan natin sa pagsisikap, lahat naman kasi kaya nating abutin kung pagsisikapan lang natin. Hinding hindi natin makukuha ang mga gusto natin kung hindi naman tayo gumagawa ng paraan para abutin yun. At kung magkamali man tayo at madapa, wag na wag kang mawawalan ng pag – asa, tumayo ka kung saan ka nadapa at gawin mong gabay ang pagkakamaling yun para magtagumpay ka gamit ang sarili mong kamay.

Inspirational Quotes

5.Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.

Hindi lahat ng bagay, pwede mong makuha dahil lang sa ginusto mo ito. Minsan, kailangan mo din talagang paghirapan ang isang bagay para masabi mo sa sarili mo na pinaghirapan mo talaga ito. Mas masarap kasi talagang makamtan at alagaan ang isang bagay na pinaghirapan.

Inspirational Quotes

6.Mangyayari ang lahat ng gusto mo kung patuloy kang maniniwala. Kailangan mo lang ng pananalig at lakas ng loob na magagawa mo lahat ng nanaisin mo.

Mahirap gawin ang isang bagay kung ikaw mismo ay naniniwala na hindi mo ito kayang gawin. Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mong gawin ang lahat ng bagay, huwag na huwag kang susuko kaagad dahil lang nagkaroon ng hadlang sa pagabot mo sa mga bagay na nais mo. Tandaan mo, quitters never win and winners never quit.

Inspirational Quotes

7.Nakadepende ang pagiging maligaya sa buhay hindi sa kung anong meron ka, kundi sa kung ano ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.

Ang pagiging masaya ng isang tao ay nakikita sa kung paano niya nakikita at hinaharap ang mga bagay na nakakaharap niya. Kung positibo ang tingin mo sa lahat ng bagay na dumadating sayo, sigurado, kahit sobrang laki ng problema mo, malalampasan mo ito ng tumatawa at nakangiti.

Inspirational Quotes

8.Ang negatibong tao ay nakakakita ng problema sa bawat pagkakataon. Ang positibong tao ay nakikita ang pagkakataon sa bawat problema.

Madali mong malalaman kung anong uri ng tao ang kaharap mo sa pamamagitan ng pagharap nya sa problema. Hindi naman kasi hadlang ang problema para magtagumpay ka. Andyan ang problema para subukin ka, andyan ang problema para gabayan ka, naka salalay na lang sayo kung paano mo ito haharapin.

Inspirational Quotes

9.Wag kang matakot na maging ikaw. TANDAAN MO: Ang pagiging orig ay mas maganda kaysa sa pagiging isang kopya.

Huwag na huwag kang mahihiya na ipakita kung sino ka talaga, maaaring tanggapin ka ng ilan at layuan ka ng iba. Pero mas mabuti ng tanggapin ka kung sino ka, kaysa tanggapin ka nila sa kung anong gusto nila sayo na maging.

Inspirational Quotes

10.Wag mong sanayin ang sarili mo sa pagsisinungaling, kasi baka dumating yung araw na ikaw mismo sa sarili mo di ka na naniniwala.

Baka kasi kapag masyado ka ng nasanay magsinungaling, hindi mo na alam kung alin pa ang totoo sa mga sinasabi mo. Huwag mong hahayaang makulong ka sa sarili mong mundo. Baka kasi hindi ka na makalabas dito at sa halip na matuto kang tanggapin ang mga pagsubok na ibabato sa’yo, baka hindi ka na makabangon sa lupang pinagdapaan mo. Huwag mong punuin ng kasinungalingan ang mundo mo. Matuto kang harapin ang mga pagsubok na darating sa’yo at sirain mo ang mundong nilikha ng kasinungalingan mo.

Leave a Reply