Hugot sa tag-ulan


Hugot sa tag-ulan

Taglamig na naman marami na namang tao ang manlalamig. Bakit nga ba sa tuwing umuulan marami din ang taong nanlalamig sa partner nila? So sa lagay pala ng panahon nakabase ang pagmamahal natin? Ayan tuloy dumadami lalo ang bitter sa mundo, tapos yung iba naman gumaganti kaso sa inosennteng tao na wala naman ginagawang masama. Tama ba yun saktan natin yung dadamin ng iba?

Hugot sa tag-ulan 

1 Sana Payong nalang ako para pagsisihan mong winala mo ako
Madalas sa natapos na relasyon nasa huli ang pagsisisi kung saan malabo ng maibalik ang dati. Ano ba yung point ng pagiwan natin sa kanila kung babalikan din naman diba? Para saktan sila o para ipakita kahalagahan natin? Paano kung hindi nila nagets yung point mo eh di wala na? Nawala lalo yung taong mahal mo, kung mahal mo wag mo bibitawan.

 

2 Dear Bagyo, Pag-umalis ka ng bansa pakisama na din ang feelings ko ha. Salamat.

Move on madaling sabihin mahirap gawin, bagay na dapat matutunan ng bawat taong nasaktan ng lubusan. Sana nga kung gano ka nya kadali iniwan kanun kadain kadali makakamove on ei diba? Ngunit hindi ei kasi pagmahal mo talaga umiwan sayo mahirap siya kalimutan yung moment na magkasama kayo in short mga memories niyo together.

 Hugot sa tag-ulan

3 Buti pa ang PAGASA, nag-aanounce na OFFICIAL na ang tag-ulan. Eh tayo kaya, kailaN?
May mga relasyon na walang tag o walang kasiguruhan kung kayo talaga, in short M.U. lang. M.U maaring Malabong Usapan o Malanding Ugnayan lang at wala ng iba pang kahulugan. Isa ito sa mga nagiging dahilan kung bakit marami ang umaasa sa wala at nasasaktan kasi umaasa nalang.

 

4 BREWED COFFEE aanhin mo pa ang tapang kung maling tao ang iyong pinaglalaban.
Ito naman paano mo ipaglalaban ang isang taong hindi naman talaga sayo? Tulad nga ng sa M.U. lang paano mo sila ipaglalaban kung hindi mo sure kung kayo o hindi? Meron din namang sitwasyong kayo nga ngunit hindi ka naman mahal ng taong ipinglalaban mo in short one-sided love lang. Ang sakit nuh? Ipinaglalaban mo yun pala isinuko kana, kasi hindi ka nila ganun kamahal. Ano gagawin mo kung ikaw nalagay sa ganitong sitwasyon? Ilalaban mo paba o isusuko mo na?

 Hugot sa tag-ulan

5 Ang pagibig ko sayo ay pwede mong iwasan pero di mo kayang pigilan
Ang pagibig ay parang ulan maaari ka ngang sumilong kapag umuulan pero hinding hindi mo mapipigilan ang pagpatak nito. Parang luha lang yan kapag nasasaktan ka ano mang pagpapangap mo na masaya ka kusang papatak yan kasi nasasaktan kana. Oo nga’t hindi nila kayang pigilan pagmamahal natin sa kanila ngunit ipagpapatuloy mo pa ba kung iba talaga ang gusto niya?

 

6 Ang pag-ibig parang ulan, kung kelan di ka handa tsaka naman bubuhos… kahit ano tago mo… mababasa ka. Ang masaklap kung kelan nageenjoy ka na tsaka titila at mawawala

Pansin niyo ba mga girls, kapag gusto kayo ng lalaki malabo namang hindi niyo sila mapansin diba? Darating yung time na mapapaibig nila tayo at magiging masaya na tayong kasama sila. Karamihan kasi talaga sa lalaki nililigawan lang tayong mga girls para magalaw or para may pangdisplay lang sa mga tropa. Ang masaklap neto kung kung kelang mahal na mahal natin sila tsaka naman darating yung araw na iiwan nia tayo upang humanap ng iba. 🙁

Hugot sa tag-ulan

7 Buti pa ang Pilipinas pag may bagyo may PAGASA, ei ako kaya sayo?
Boys kung sa tingin niyo na hindi kayo gusto ni girl or nagpahiwatig na siyang ayaw nila sayo layo nalang tayo wag na umasa, kasi ang puso hindi yan natuturuan. Ang nakakainis naman kung minsan sa girls masyadong pakipot, tapos pag nakahanap ng iba magagalit. Kung gusto mo din kasi sagutin na agad , malalaman mo rin naman ugali niyan kapag naging kayo na, edi tsaka mo nalang iwan at least binigyan mo siyang chance diba? Hindi niyo kasi malalaman ang baho niyan habang nanliligaw palang kasi nga gusto ka mapasagot niyan. Sa girls naman kung gusto niyo isang guy hayaan niyo silang magparamdam kasi madaming posibilidad na masaktan ka lang kung ikaw ang magpaparamdam sa kanila. Una iisipin ng mga yan makakascore agad ako dito iiwan ko nalang, ikalawa peperahan tayo, ikatlo pwede tayong tagagawa lang ng assignments at iba pa nito. Kaya’t huwag aasa sa taong hindi ka deserve, maghintay kalang may taong para sayo.

 

8 Tag-ulan na naman baka wala ka na naman sa service ha? – #simbaTayo

Hindi lang tayong mga tao ang nasasaktan maging si Lord man umaasa rin siya na exited kang sumimba. Isipin niyo lagi niya tayong iniingatan sa bawat araw tas pagsimba lang hindi pa natin magawa. Ung iba naman sumisimba nga pakikipagdaldalan lang. Paano kung si Lord na yung mawalan time para satin paano kung balewalain niya mga pangangailangan natin? Paano na tayo, edi kawawa naman tayo matuto rin sana tayo magbalik ng pasasalamat sa kaniya. Isang beses lang nga hiningi niya sa isang linggo hindi mo pa kaya ibigay?
Hugot sa tag-ulan

9 Inabot na tayo ng tag-ulan bes drawing na rin ba yung SWIMMING ng tropa?
Ito naman ay para sa mga taong pangako ng pangako lagi namang napapako. Wag nalang mangangako kung hindi kayang tuparin ng walang umasa sa mga pangakong napapako. Sa isang relasyon din sana lagi nalang tayong nangangakong hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan at papakasalan, ei anong nangyare? Iniwan mo na, nasaktan mo na at higit sa lahat umasa pa siya sa wala.

 

10 Weather weather lang din ang pagmamahal minsan tagulan yung tipong inuulan ka ng pagmamahal minsan naman tagtuyot yung tipong uhaw na uhaw kana sa pagmamahal.

Hindi maiiwasan sa isang relasyon ang pabago bago ng mood ang magpartner, minsan malambing si guy kay girl kasi miss na niya ito minsan badtrip ito sa laro nadadamay si gf. Si gf naman likas namang pabagoobago ang mood ei, alam niyo kung bakit? Kasi gusto nila parati silang nilalambing. Magiging stable lang ang isang relasyon kung matututo nilang tangapin ang worst part ng isa’t isa.

Maraming salamat sa pagbisita sa aming Blog site, nawa ay nagustuhan niyo ang ating topic sa araw na ito. Taglamig na naman mauuso na naman ang malalamig ang pasko    or single haha.  Nais  ng higit pang quotes? Patuloy lang sa pagsubaybay o kaya naman ay bisitahin ang aming FB page mstaray.com