Hugot Lines and Patama Quotes and Sayings


Hugot lines

Wag mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa kanya, Kung may ibang tao naman na tinatanggap ka.

-Hindi natuturuan ang puso kong sino ang dapat nating gustuhin o mahalin, Kapag nagkagusto ka sa isang tao its either magustuhan ka rin nya o may gusto na syang iba. Kahit pa may kapintasan ang taong nagugustuhan natin basta mahal natin tatanggapin natin ang mga yun kasi nga wala naman talagang taong perpekto. Maaaring may taong tanggap tayo pero ang hirap din kasi minsan kahit anung gawin natin para magustuhan ang isang tao ay may time parin talaga na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa kanya kahit marami syang magagandang katangian. Iba kasi sa pakiramdam pag yung puso mo talaga ang pumili sa kanya.

Hugot lines

Makisama man sayo ang mga taong bilib sa kahusayan mo. Iba pa rin ang pakiramdam pag kasama ang mga taong tanggap ang kahinaan mo.

-May ibang tao na pinakikisamahan lang tao dahil sa magandang estado nito sa buhay o kaya naman dahil sa nakakataas ito kahit kaninu. Yung feeling na nandyan sila kasi nga may kaya kana sa buhay. Yung ang nakikita at alam lang nila ay yung tagumpay mo at kung san ka magaling. Iba parin talaga yung ang mga kasama mo ay hindi lang yung tagumpay moa ng alam kundi pati kahinaan at nandyan parin kahit anung mangyari. Mas madaling mag-open ng nararamdaman at problema sa mga taong alam ang kahinaan mo.

 

1.Sarap na sarap ka noon na halos wala kang kakilala. Ngayon na iniwan ka, ang gusto mo kaawaan ka nila.

2.Hindi ka nga pala muna nag-isip-isip bago nag-asawa ng maaga. Tapos ngayon kukulitin mo ako na pautangin ka, eh hindi naman tayo magkakilala.

3.Hindi porket nagseselos ka, eh INSECURE ka na. Mas malakas lang talaga ang KARISMA ng MALANDI, Kaysa sa MAGANDA.

4.Kapag ang mahal mo ay may mahal ng iba; Are you gonna Let Go or still Fight for him?

LETTING GO – Kapag wala kang ibang iniisip kundi ang ikakaligaya niya, pababayaan mo siya sa taong mahal niya.

FIGHT – Kapag sariling kaligayahan mo ang iyong iniisip, gagawin mo ang lahat dahil mahal mo siya.

5.Sitwasyon na nakakapagpasaya…Yung nararamdaman mo kahit di sinasabi. Yung walang sumpaan pero walang iwanan. At yung walang titulo pero alam mong sayo.

6.Siguro nga ang laki kung tanga, kase minahal kita.. pasensya kana ha. Puso ko kasi ang nag desisyon na mahalin ka hindi yung sarili kung mata.

7.Ang sarap siguro pakinggan na yung taong mahal mo , Mahalin karin at hindi yung bestfriend mo.

8.Kahit mabilis ka pang tumakbo di mo pa rin mahahabol yung taong tumatakbo din palayo sayo.

9.May hangganan din ang paghihintay di ka dapat umasa ng panghabang buhay.

10.Ang sarap sa pakiramdam na kahit magkalayo kayo eh mahal na mahal ka pa din ng taong pinagpupuyatan mo.

Hugot lines

Bakit pag nasasaktan kana  pinipilit mo paring  maging masaya para sa kanya.

-Sabi nga nila ang pagkukunwaring masaya ang pinakamahirap gawin kahit sa loob mo ay sobra ka nang nasasaktan. Hindi maiwasang magkaroon ng problema o hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon, nag-aaway at nagkakatampuhan. Minsan kahit nasasaktan kana sa ginagawa nya tinatago at tinitiis mo nalang ang sakit kesa lumala pa. Nagpapanggap kang OK at masaya sa harap nya.

Hugot lines

Like and Share. Thank You.

Leave a Reply