7 DAHILAN KUNG BAKIT BA NAGIGING BITTER SI EX


7 DAHILAN KUNG BAKIT BA NAGIGING BITTER SI EX

Bakit ba laging may kontra?
Hindi nyo ba talaga makuhang maging masaya para sa akin?
Linya mo o linya nya? Baka bitter sya/ka? Bakit? Gusto mo malaman? O sya, basa pa.

7 DAHILAN KUNG BAKIT BA NAGIGING BITTER SI EX -1
Una. Kapag mas maganda/pogi yung pinalit sa kanya.

-Basic. Di mo matanggap na hindi lang pala ikaw yung pinakamaganda/pogi na makikilala nya. Yung linyang “Wala ka nang makikita pang tulad ko.” kapag nag-break kayo? Tama naman. Just consider this line. OO walang katulad mo pero maaaring may mas higit sayo. Tama na ang comparison. Move on.

Ikalawa. Hindi kuntento sa present love life or worst, wala talagang love life.

-Di naman totally nasusukat ang hangganan ng contentment ng tao pagdating sa material things o anumang nakapagpapasaya sa kanya. Pero just a friendly reminder, wag na wag mo idadamay ang usapang lovelife sa salitang sukatan ng contentment mo. Ano ‘to? Trial and error? Pag hindi ka kuntento palit ulit? Wag ganun. Wag mo nang tingnan ang ibang nakapaligid sayo. Ang tingnan mo eh yang nasa harapan mong pinili mong maging makasama for another chance ng love life mo. There’s no turning back.

7 DAHILAN KUNG BAKIT BA NAGIGING BITTER SI EX -2

Ikatlo. Kung napapansin nyang mas better yung present relationship kesa nung sila pa.

– Comparison. Ngayon mo naiisip kung bakit mas relationship goals ang present love life ng ex mo kesa nung kayo. Baka naman nasaktan sa break up nyo kaya natutong mag upgrade ng effort at pagmamahal para di na ulit maiwan?

Ikaapat. Napapansin nya na mas nabibigay ng present yung alaga na di nya naibigay before.

– Oo hindi ka caregiver, pero basic lang sa isang relasyon ang pag aalaga sa isa’t-isa dahil yun yung magiging pundasyon nyo. Di naman yung nakakasakal, yung sapat lang. Insecure ka? Aminin mo din kasi minsan na nagkukulang ka.

7 DAHILAN KUNG BAKIT BA NAGIGING BITTER SI EX -3

Ikalima. Umaasa.

– Ito yung tinatawag na overdosed sa optimism. Hinihintay ang break up ng ex with present para maka- da-moves ulit. Di magla like ng mga post na relationship goals ng pinakamamahal na ex with present kasi iniisip mo dapat ikaw yun, kasi nga umaasang, “Magbe-break din yan.”

Ikaanim. Kapag nilalaman na sya ng konsensya nya at naiisip kung anong mali bakit sila naghiwalay. In short, nanghihinayang.

– Seeing na masaya na yung ex mo pero ikaw nagluluksa pa? Parang kelan lang pareho pa kayong mukhang ewan dahil sa break up nyo pero ngayon nag level up na sya. Eh ikaw? Napapaisip ka anong mali? Wag mo na isa-isahin. Umabot ka man sa libong dahilan di na sya babalik kung talagang masaya na sya sa bago nya.

Ikapito. Nasasaktan.

– Isip-isipin mo lahat ng consequences na nabanggit sa taas. Na-realize mo ang koneksyon nila? Suma total iisa lang naman talaga ang dahilan ng lahat. Basic analysis. Root cause? Nasasaktan ka kaya bitter ka.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagbabasa at sa patuloy na pagsuporta! Gusto nyo pa ba ng mas madaming mga love qoutes at iba pang mga topics about love? . Araw-araw lang bumisita sa aming Blogsite para sa mga bago at latest ng post namin at syempre wag na wag kakalimutang bumisita din sa aming FB Page na Ms. Taray – Hugutera Then Please Like and Share Thank You!