2017 Hugot Love Quotes


Karaniwan na sa atin mga Bess, yung lagi na lang nakakaramdam ng sakit. Mapa – buhay man yan o pag – ibig, lagi na lang tayong nakakaramdam ng ganyan. Bilang babae kasi, sabihin mang palaban tayo, ay nangingibabaw pa din talaga minsan yung pagiging, pusong mamon natin. Deep inside kasi, malambot tayo, kaya konting makaramdam lang tayo ng hindi maganda sa relasyon natin, iiyak na agad tayo, lalo na tuwing mag – isa lang tayo.

Pero kahit na nasasaktan na tayo, siyempre andun pa din yung kagustuhan natin na hindi magpatalo. Never give up tayo e, kahit sobrang sakit na laban pa din ng laban, lalo na para sa mahal natin.

Tayo kasing mga babae, masyado tayong sentimental pagdating sa pag – ibig. Kaya naman hindi talaga nawawala sa atin ang magbasa o makinig ng mga hugot mula sa internet o sa mga kaibigan mismo natin. kahit nga tayo mismo humuhugot na din minsan. Nagiging katuwaan na nga natin ang paghugot tuwing kasama natin ang mga Bessies natin. Kaya naman mga Bess, hinanda ko tong mga quotes na to para sa inyo, sana magustuhan nyo.

Hugot Quotes

1.Wag mo isiping madami kang mali kaya ka niya nagawang iwan. Isipin mo nalang na hindi ka niya bibitawan kung talagang gusto ka nyang MAKATULUYAN.

 

Kung mahal ka kasi ng bf mo Bess, kahit ano pang pagkakamali ang magawa mo sa kanya, patatawarin ka niya. Hindi ka nun iiwan ng basta – basta, lalo na kung di naman ganoon kabigat ang nagawa mo, maliban na lang siguro Bess kung lumandi ka sa iba kaya nagalit siya. Saka minsan, isipin mo din kung may mali ka ba talaga. Hindi mo kasi alam Bess, baka gumagawa na lang siya ng dahilan para iwan ka.

Hugot Quotes

2.Ang dalawang pusong nagmamahalan kahit anong pagsubok ang pinagdadaanan ay kanilang lalabanan para MAPAGTAGUMPAYAN.

 

Pagdating sa pagmamahal mga Bess, hindi na importante kung marami mang tumututol sa inyo, o kung marami man kayong pag – subok na pinag dadaanan. Natural lang naman kasi sa isang relasyon ang makaranas ng ganyan. Ang mahalaga mga Bess, harapin ninyo ng Bf mo lahat ng yan ng magkasama kayong dalawa, mas madali kasing lumaban kung umaalalay ang isa at sinusuportahan ang isa.

Hugot Quotes

3.Sa Relasyon …Pahabaan ng PASENSYA, Hindi pataasan ng PRIDE.

Para sa isang relasyong masaya, dapat talaga marunong kang magpasensya Bess, hindi kasi porke’t galit si Bf, e sasabayan mo na, hindi dapat ganun Bess. Kung sa pagsasama ninyo e nagalit ang isa, dapat tumahimik na lang yung isa pa. minsan kasi baka lambing lang ang kailangan para tumahimik siya. Hindi yung galit na galit na nga siya, sasabay ka pa at magagalit ka na din. Bawas – bawasan kasi ang pride mga Bess, minsan mas okay na yung ikaw na ang magpakumbaba para di na lumaki ang away ninyo.

Hugot Quotes

4.Hindi mo naman kailangang mahirapan, minsan kase ayaw mo lang talaga BITAWAN kaya lalo ka lang NASASAKTAN.

 

Kung iwan ka ng mahal mo, let go Bessy. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi ka naman kasi niyan iiwan kung ayaw niya. Ibig sabihin lang, yun ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Kaya kung nasasaktan ka na ng sobra, bumitaw ka na, especially kung tingin mo e wala na siyang pakialam sa relasyon ninyong dalawa. Mas masasaktan ka lang kasi Bess, kung kakapit ka pa.

Hugot Quotes

5.Alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama, Pero bigla ka nalang makakarinig ng mga di tamang balita.

 

Kahit kasi sobrang saya na ng buhay mo, hindi pa rin mawawala yung mga malalanding naiinggit sa’yo. Gagawin nila ang lahat para sirain ka, kaya dapat lang na mag – ingat ka. Maling balita man ang ikalat nila, alam nilang maaapektuhan ka, kasi hindi sila susuko hangga’t hindi ka nawawala sa landas nila.

Hugot Quotes

6.Hindi yan masusukat sa kung gaano ka katagal naghintay. Dun yan sa kung gaano ka naging loyal habang naghihintay.

Gaano ka man katagal na naghintay para sa isang tao, hangga’t hindi ka nagiging loyal sa kanya, hindi mo pa rin masasabing nagpakatotoo ka. Yung sa kabila man ng paghihintay mo sa kanya, kung kani – kanino ka naman sumasama, it means hindi ka pa rin naging tapat sa kanya. That is equivalent to cheating, kaya parang niloko mo na rin siya. Pati na din ang sarili mo.

Hugot Quotes

7.Minsan nakakatakot din magsabi ng feelings sa isang tao, Baka kase kapag nasabi mo, lumayo na siya sayo.

 

Mahirap kasing magbaka – sakali baka mabale – wala din sa bandang huli. Hindi mo din naman kasi masasabi kung ano ang mararamdaman ng isang tao kung sakaling magtapat tayo sa kanila. Lalo na bilang babae, natatakot tayo na baka mapahiya na nga tayo sa ibang tao, layuan pa tayo ng taong gusto natin.

Hugot Quotes

8.May mga tao na sadyang naghahanap ng ikasisira mo, Lalo na kung talagang INSECURE sila sayo.

Marami kasi talagang tao ang madaling mainggit sa kapwa nila. Sa halip na gumawa sila ng paraan para umasenso ang buhay nila, wala silang ibang ginawa kundi manira ng iba. Iniisip ba nila na kung masira nila ang taong kinaiinggitan nila, aasenso na ang buhay nila? Kaya mga Bess, tanggalin natin ang insecurity sa buhay natin. Hindi tayo uunlad pa ganyan, kung sinisiraan ka ng iba, pabayaan mo na lang, wag mo na lang ibaba ang sarili mo sa level nila.

Hugot Quotes

9.Okay lang na konti ang mga kaibigan mo. Basta ang mahalaga, TOTOO sila sayo.

Hindi naman kasi mahalaga kung madami ang kaibigan mo, lalo’t hindi mo alam kung sino sa kanila yung tapat sa’yo. Minsan kasi mga Bess, kung sino pa yung tinuturing nating bestfriend, sila pa ang aahas sa atin at mang – aagaw pa. kaya mas okay na yung konti lang sila. At least sigurado ka na walang tatraydor sayo kapag nakatalikod ka.

Hugot Quotes

10.Mahal pa din naman kita…Ayaw ko lang ipakita kase alam kong may mahal ka ng iba.

Hindi naman kasi nawawala basta – basta ang pagmamahal, nandoon pa din yun kahit na sobra tayong nasaktan dahil sa isang tao. Minsan nga hindi na nagbabago kung ano yung nararamdaman natin sa kanila dati pa, hindi lang talaga natin maipakita at maipadama sa kanila dahil alam nating masaya na siya sa iba, at wala na siyang pakialam sa nararamdaman natin sa kanya.

Leave a Reply