Inspirational and Motivational Quotes


Motivational Quotes

Marami ang nakakakilala sa’yo pero konti lang ang tunay na nakakaintindi sa’yo.

-Isa sa halimbawa nito ay ang mga artistang sikat, kilalang kilala sila ng karamihan at ng mga taga hanga nila subalit sa likod ng kanilang kasikatan ay may mga ugali din silang walang nakakaalam at nakakaintindi. Kapag kinilala natin ang isang tao dapat tanggap natin ang mga pagkukulang nya at dapat intindihin din natin kasi walang taong perpekto.

Motivational Quotes

Huwag kang magsawang mag THANK YOU kay Lord everyday.

-Lahat ng natatamo natin at napagtatagumpayan sa buhay ay dapat nating ipag pasalamat sa Panginoon dahil ginabayan nya tao sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay kaya tayo nagtagumpay. Materyal na bagay, Pagmamahal, pangarap na natupad ay dapat lang nating ipagpasalamat. Lahat ng meron tayo sa ating buhay ay dahil kay God kaya huwag natin syang kalimutan. Siya ang unang-unang makakapitan natin sa oras ng kalungkutan.

Motivational Quotes

Huwag kang susuko sa mga bagay na gusto mong abutin. Dahil ang lahat ay may biyayang kapalit.

-Huwag yung puro salita lang dapat kung may pangarap ka na gusto mong makapit sabayan mo ng gawa at pagsisikap. Oo, mahirap sa umpisa pero kapag nalagpasan mo ito at napagtagumpayan mo ay napakalaking ginhawa ang makakamit mo. Hindi habang buhay ay puro hirap, darating din yung oras na makakaramdam ka din ng kaginhawahan sa buhay basta maniwala ka lang sa sarili mon a kayang mong maraing ang mga pangarap mo.

Motivational Quotes

Yung chill ka lang kahit madaming problema, kasi alam mong si LORD ay may control ng lahat ng bagay.

-Kahit gaano kadami ang problema nating kinahaharap huwag parin nating kalimutang magkaroon ng mga oras para magsaya sa buhay. Huwag masyadong damdamin at mag isip ng pangunahing solusyon sa problema. Walang problema ang hindi malulutas basta magtiwala ka lang sa panginoon at samahan mo ng pagsisikap at tiyaga.

Motivational Quotes

Hindi ko ugali ang magpaka-BAIT para lang magustuhan niyo. Wala akong pakialam kung AYAW niyo sa style ko, basta magpapaka TOTOO ako.

-Iba-iba ang ugali, kinagisnan at nakasanayan sa buhay ng bawat isa sa atin kaya hindi natin sila masisisi kong anu man sila. Wala tayong karapatang manghusga lalo na kong hindi pa natin lubusang kilala ang isang tao. Hindi mo kailangang magpanggap o umaktong perpektong tao para magustuhan ka ng ibang tao. Dapat magustuhan ka nila kasi tanggap nila kung sino ka talaga. Ipakita mo kung sino ka talaga para malaman mo kung sino ang mga taong tatanggapin ka at hindi ka huhusgahan.

Leave a Reply