11 Signs Ng Tunay Na Pagkakaibigan: Quotes and Sayings


“11 Signs Ng Tunay Na Pagkakaibigan: Quotes and Sayings”

Noong 1967, ni-release ng The Beatles ang kanta nila na tila naging theme song na ng mga magkakaibigan hanggang ngayon: yun bang kantang, “I get by with a little help from my friends.”
Kagaya ng alam na natin, these special relationships do more than just get us by. Ang mga kaibigan natin ang mga concert buddies natin. Sila yung mga taong pupuntahan ka para lang manghuli ng daga sa apartment mo. Sila yung mga nakakakita ng mga sekretong tinatago ng ibang tao tungkol sa relasyon nila at sa mga pagbabago sa paligid natin.
Sinabi na minsan ni Aristotle na ang tunay na kaibigan ay “isang kaluluwa na nasa loob ng dalawang katawan” – pero paano ba malalaman ang pagkakaiba ng tunay at tumatagal na pagkakaibigan sa ibang pansamantalang pakikipagkakilala natin sa ibang tao? Ayon kay Robert Downey, D. O., isang pyschiatrist at direktor ng Cleveland Clinic mood disorder unit, may mga ilang gawi na tinataglay ang tunay na kaibigan, na nagiging dahilan para ituring na natin silang parang pamilya. At ang mga katangiang ito – at minsan yung tinatawag na tough love – ang lumilikha ng hindi maipaliwanag na koneksyon sa pagkakaibigan.
Narito ang ilang katangian na naghihiwalay sa mga tunay na kaibigan, sa ibang taong kaugnay ng buhay natin.

11 Signs Ng Tunay Na Pagkakaibigan: Quotes and Sayings 1

1. “Lagi lang silang nandiyan.”

“Ang pinakamagandang regalo na siguro na kayang ibigay ng isang kaibigan ay ang kanilang buong atensyon at kamalayan – at ginagawang prayoridad ng mga tunay na kaibigan na ma-feel mo ang presence nila sa buhay mo. “A real friend stays present in the moment by paying attention to your needs along with theirs,” ang sabi pa niya.
At ang isang paraan na makita ang tunay na kaibigan ay yung tinatago o tinatabi nila ang mga phones nila tuwing magkakasama kayo. Isang pag – aaral sa United Kingdom noong 2012 ang nagsabi na ang presence lang ng cellphone ay may kakayahan ng alisin ang personal connections ninyo – isang bagay na hinding hindi hahayaang mangyari ng Best Friend mo.”

2. “Tinutulak nila tayo para mas matanggap natin ang sarili natin.”

“Isa sa mga pinakamalaking mali sa atin ay ang pagiging negative natin at masyado nating pag-criticize sa sarili natin, pero katulad nga ng sinasabi ni Rowney, ang tunay na kaibigan ay itinatayo tayo sa tuwing tayo ay nadadapa. Ang kanyang paliwanag, “People feel better about themselves when they have close, supportive and encouraging people in their lives.”

“Ito man ay yung pakiramdam mo na nagkulang ka sa pagsagot sa job interview mo o dahil lang ayaw mo ng nakikita mo sa salamin, ang mga matatalik nating kaibigan ang laging kumukontra sa atin tuwing bumababa ang tingin natin sa sarili natin. Ang sabi pa niya, “Real friends naturally boost your self-esteem, and in turn, helping out a good friend [in this way] can help you feel better about yourself as well.”

3. “Pinagsasabihan nila tayo kapag tayo ang nasa mali.”

“Ito yung mga pagkakataon na tayo talaga yung nakagawa ng mali. Lahat tayo ay may kapintasan. Ang mga kaibigan natin ang nagsasabi nito sa atin sa maingat na paraan para hindi tayo mainis o magalit, para na din sa kapakanan natin. “They’re able to point out some of the negative things you’re doing in addition to the positive,” sabi ni Rowney. “They really support you on both sides.”

“Ang katapatang ito, ang pagpapaliwanag ni Rowney, ang siyang naghihiwalay sa mga tunay na kaibigan sa mga kaibigan “lang”. “If it’s a superficial friend or a new friend, they’re not going to say anything that may be off-putting,” sabi niya. “But if it’s a real friend — someone you truly trust — they know they can tell you exactly what’s on their mind. People who are open and straightforward are some of the most important types of friends to have.”

11 Signs Ng Tunay Na Pagkakaibigan: Quotes and Sayings 2

4.  “Nasa likod lang natin sila kahit medyo nagiging magulo ang buhay natin.”

“Maaari itong maging isang naka-susukang pagkakataon: Lumabas ka kasama ng mga katrabaho mo ng makita mo ang kanyang nililigawan or girlfriend na nakikipaglandian sa ibang tao. At bagama’t ang pagsasabi ng balitang ito ay maaaring maging hindi kumportable para sayo, sinabi ni Rowney na ang mga close friends mo na mismo ang lalapit at magbibigay ng initiative na magtanong – kahit pa ayaw nila itong marinig. “Supportiveness is crucial in friendships,” paliwanag ni Rowney. “Honesty isn’t always an easy thing, but it’s important to your bond. Swallowing that pill and being the best friend you can by being open with them always works out better.”

5.  “Nakikinig sila.”

“Ilang beses mo na bang sinubukang makipag-usap sa iba, para lang sa taong yun na gawing topic ang sarili niya? Kaya naman ang mga sandaling gusto mo sanang maglabas ng sama ng loob o para makapag – kumustahan kayo ay hindi ganun ka – fulfilling. Ang pakikipag – usap sa tunay na kaibigan kahit kailan ay hindi nagiging one-sided.
Ang kakayahang magkaroon ng bukas at two-way conversation sa isang tao ay nakakadagdag ng pagkakataon na mas mapatatag pa ang pagkakaibigan. Ayon sa listening expert na si Paul Sacco, Ph.D., isang assistant professor sa University of Maryland School of Social Work, ang pangunahing susi sa balanseng pag-uusap ay ang aktibong pakikinig sa kausap mo. “People who are good listeners validate other people’s feelings,” nauna na niyang nasabi sa HuffPost Healthy Living. “It shows that what they’re saying makes sense.”

6. “Tinutulungan nila tayo sa kabila ng mga problema.”

“Isang bagay na yung bigyan tayo ng suporta ng mga kaibigan natin sa mga oras ng tagumpay natin. Pero ang mga tunay na kaibigan ay laging nandyan, through all of our peaks and valleys – sa lungkot, sa saya, sa mga kabiguan at lahat ng nasa pagitan nun. “To be able to know someone enough and to trust them enough to even allow them to support you through tough times is a sign of real friendships,” ayon kay Rowney. “The people who are in your life like that are about as close to family as you can get.”

7. “Pinapanatili nila ang stress natin in check.”

“Sinabi ni Rowney na, isa sa mga tanda ng pagkakaibigang tumatagal ay ang kaalaman kung anong nakakapagpagalaw sa isang tao. Pansin ng mga tunay na kaibigan kung kailan ka napipilitan – sa ganun ay matulungan ka nila para makagawa ng mas magandang desisyon. At kahit hindi tayo humingi ng advice sa kanila, yung presence lang nila, napapakalma na tayo. Isang study na ginawa noong 2011 ay nagsabing, ang paggugugol ng oras kasama ang isang matalik na kaibigan ay nakakatulong na matalo ang stress.”

11 Signs Ng Tunay Na Pagkakaibigan: Quotes and Sayings 3

8.” Ginagawa nilang priority ang pagkakaibigan. ”

Kasal, trabaho, pagkakaroon ng anak… habang lumilipas ang oras, ang mga araw natin ay nagiging masyadong busy, at karugtong nun, nagiging unavailable tayo. Pero ang mga tunay na kaibigan ay hindi hinahayaan na maabala ng buhay ang pagkakaibigan ninyo. Maging ito man ay ang pagkakaroon ng kaunting oras lang para magkamustahan o pagplano ng pagbisita, ang tunay na magkaibigan ay ginagawang priority ang isa’t isa.
“One thing that really gets in the way of these bonds is when people don’t make time to truly be with their friends,” sabi ni Rowney. “If you don’t purposefully make time to see them, it can really hinder the friendships overall and it’s one of the main reasons why friendships fall by the wayside.”

9. “Pinapanatili ni tayong maging mapagpakumbaba.”

Sinabi ni Rowney na bagama’t ang mga tunay nating kaibigan ay ipinagdiriwang ang ating mga tagumpay, lagi pa din nilang pinapaalala sa atin kung saan tayo nagumpisa. “Good friends will keep you in check to some degree and not let your head get oversized,” ang paliwanag n’ya. “They knew you before you made it big or achieved any accolades. They know the deep-down, base version of you. So not only will they support you when you succeed, but they remind you [of] where you came from.”

10. “Ginagawa nilang ugali ang pagpapatawad.”

“Lahat tayo ay nagkakaroon ng maling desisyon paminsan – minsan pagdating sa ating mga relationships. Pero kagaya ng sinulat ni Randy Taran, isang manunulat at producer ng Project Happiness, ang tunay na pagkakaibigan ay marunong sumabay o sumalunga sa mga bagyo. “When conflicts come up, real friends have the courage to reach out directly rather than gossiping and letting irritations grow,” paliwanag niya sa isang HuffPost blog. “Real friends understand, and because they understand they are capable of forgiving.”

11. “Napipilit nila tayong gustuhin na maging mas mabuting tao.”

“Sinabi ni Rowney na ang mga tunay na kaibigan ay hindi lang nanatiling kasabay natin sa paglaki, nagiging dahilan din sila na gustuhin nating maging mas mabuting version ng sarili natin. Ang mga kaibigan ay hindi lang yung pinagkakatiwalaan natin, role model din sila. Mula sa mga halimbawang pinapakita nila sa atin, ang kabutihan nila at iba pang mga katangian, nailalabas nila yung pinakamahusay na magagawa natin – at ito ang isa sa mga pinakadakilang regalong maibibigay nila.”

“Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aming Blogsite. Asahan nyo sa susunod na pagbalik ninyo mas marami, mas magaganda at mga pinaka bagong Quotes and Sayings na tiyak na makakakuha ng inyong pansin. Kaya wag magdalawang isip na bumisita dito sa aming Site 🙂 and Please Visit us  on facebook  “https://www.facebook.com/mstarayhugotera/” or search Ms. Taray.com! Thanks :)”

 

Leave a Reply